Wednesday, February 24, 2016
Isa lang ang puso ng Tao
Isa lang ang puso ng tao
Isa lang... Iisa...
Kung ang puso na 'yan ay pagmamahal lamang
ang laman...
Pagmamahal lamang ang mamumutawi sa
kanyang kapaligiran...
Isa lang ang puso ng tao...
Isa lang... Iisa...
Maaari bang maghari ang pagmamahal
kasama ang nag-aapoy na galit
sa iisang puso?
Oo, Maaari kang magalit.
Hindi kasalanan ang magalit...
Ngunit kung ang galit na ito'y
Hindi man lang naiibsan... nababawasan...
At patuloy na nag-aapoy...
Maaaring ito na ang naghahari sa puso.
Iisa lang ang puso ng tao.
Isa lang... Iisa...
Magalit ka ngunit huwag kang magkasala...
Ipagdasal mo ang iyong kaaway...
Hindi namin hinihingi na makipag-barkadahan ka
sa kanya...
Ngunit ang hinihingi ay naisin mo
Ang kabutihan sa taong ito na sa iyo ay nakasakit...
Iisa lang ang puso ng tao...
Isa lang... Iisa...
Oo. Masakit. Hindi siya nararapat sa kahit na
Maliit na kabutihan na maaaring mong maisip.
Masama ang kanyang ginawa...
Masama ang kanyang mga nasabi...
At higit pa masama ang kanyang layunin...
Mahirap... Kung hindi man... Napakahirap...
Iisa lang ang puso ng tao..
Isa lang... Iisa...
"Ama, sila ay Iyong patawarin... sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa..."
Iisa lang ang puso ng tao... Iisa lang... Iisa...
Ano ang laman ng iyong puso?
Galit? Pag-iimbot? Pagseselos? Pagkamakasarili?
Sana...
Pagmamahal... Pagpapatawad... Pagbibigay... Pang-unawa... Pag-papasensiya...
Iisa lang ang puso ng tao... Iisa lang...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment